Tula Tungkol Sa Bayani Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Bayani

TULA PARA SA BAYANI – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng tula tungkol sa ating mga bayani at ang kahulugan nito.

Ang ating mga bayani ay ang mga taong ginawa ang lahat ng makakaya nila para sa ating bansa. Inuna nila ang kapakanan ng mas nakararami kesa sa kanilang mga sarili.

Tula Tungkol Sa Bayani Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Maraming halimbawa ng mga bayani katulad nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio. Ngunit, may mga moderno ring bayani katulad ng mga guro at ang mga doktor. Heto ang mga tula na ginawa para sa mga bayani:

Bayani ng Lupa/Sulat ni Jun Lit

Tila nagtatanong, tanang mga muthâ
“Saan ba nagpunta ang payat na mamà?”
“Ilang buwan na bang hindi gumagalà
dito sa ‘ming parang na kanyang tumanà?”

Baguhin ang mundo’y dakilang pangarap
Subali’t mailap mga alapaap
Kung kaya’t bumangon kahit na mahirap
Dal’wampung ektarya’y pinagyamang ganap

Mahabang panahong masugid na nagmamahal
Sa katuwang sa puso at kasintahang walang pagal
Pati na sa gagamba at lahat halos na nilalang
Pati na butiking naghatid ng liham

Henyong ermitanyo ba o maestro pilosopo?
Iba ang pananaw, sa buhay, sa mundo
Lahat ay magkakaugnay at ang tao
ay tuldok lang at di panginoong sentro.

Pag-ibig sa bayan at kapaligiran
Ay di sagabal sa mithing kaunlaran
Basta’t angkop sa kaya ng pamayanan
Sadyang sustenable at di pangdayuhan

Bakas sa landas na kanyang nilakaran
Larawan ng diwang tunay, makabayan
Puso at isipang makakalikasan
Karapat-dapat na pagbalik-aralan

Sa Araw ni Ninoy, araw ng pagpanaw,
Sa Araw ng mga Bayani hihimlay
Bayani ng Lupa, may basbas ng araw,
ng ulan. Binuo ang ikot ng buhay.

“Bayani ng Kahapon”/Sulat ni Danica Parra

Kayo ay hindi na lubos malimutan,
Hanggang ngayon ay pinag aaralan sa paaralan.
Tinatalakay ang inyong kahalagahan,
Tagumpay na ipinanalo nyo sa bawat laban.
 
Ang mga dayuhang mapangmaltrato,
Sasaktan at tatawagin tayong Indio.
Sa pagtatanggol ay hindi nyo kami binigo,
Wala kami rito kung hindi dahil sa inyo.
 
Bayani ng kahapon,
 Mananatili kayo hanggang sa ngayon.
Utang namin ang aming kalayaan,
Panahon naman para kaming kabataan ang lumaban.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Lathalain? Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment