Wastong Paggamit Ng Wika – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Nga Ba Ang Wastong Paggamit Ng Wika? (Sagot)

WASTONG GAMIT NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang wastong paggamit ng wika at ang mga halimbawa nito.

Ating masasabi na isa sa pinakamahalagang kailangan gawin upang mapalaganap at mabuhay ang wika ay ang patuloy na paggamit nito. Dahil dito, kung hindi mabisa ang ating wika, mas madaling magkaroon ng malaking hindi pagkakaunawaan.

Wastong Paggamit Ng Wika – Halimbawa At Kahulugan Nito

Kaya naman, mas malaki ang pagkakataon namamatay ang wikang ito. Pero, kung mabisa man ang wika ngunit mali ang pagkakamit nito, ito’y manghihina at mawawala ang pananalig nga mga indibidwal sa wika.

Sa modernong panahon na ito, nahaharap ang ating wika sa isang pagsubok ng katatagan. Ito ay ang pagkakaroon nito ng bisa nito at pananalig galing sa mga tao. Ating tignan ang mga pagsubok na kinakaharap ng wika sa kasalukuyan.

Pagpapalit ng salitang banyaga sa mga katutubong salitang hindi gaanong nagagamit.

Maraming mga salitang Filipino na dahan-dahang nawawala at napapalipat. Halimbawa, ang salitang kaisipan ay nagiging ideyolohiya (galing sa “ideology”). Ang pagpapasa ay naging pagsusumite (submit) at ang dalubhasa ay naging eksperto (expert).

Malalang pagsama-sama ng wikang katutubo at wikang banyaga.

Malaking halimbawa nito ay ang paggamit ng “Taglish” o ang pagsama-sama ng Tagalog at Ingles sa mga konteksto ng komunikasyon. Ito’y nagdudulot ng hindi maayos na paggamit ng salita at maling paggamit ng mga titik.

Pero, hindi naman masama ang pagbabago ng wika. Ito’y nangyayari simula pa noong naimbento ito. Ngunit, atin lamang dapat bigyang halaga ang ating pansariling wika dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kasarinlan at palatandaan ng ating pagkamalaya.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Etimolohiya? Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment