Tanka Tungkol Sa COVID-19 – Halimbawa At Kahulugan Nito

Tanka Tungkol Sa COVID-19 Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

TANKA TUNGKOL SA PANDEMYA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng tanka tungkol sa pandemyang COVID-19 at ang kahulugan nito.

Sa panahon ng pandemya, bilyun-bilyong tao ang naaapektuhan. Marami ang nawalan ng mahal sa buhay at marami ang nawalan ng trabaho dahil dito.

Nagsimula sa tatlo ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Pero sa ngayon, sobra na sa 500,000 ang naitalang kaso sa ating bansa.

Tanka Tungkol Sa COVID-19 – Halimbawa At Kahulugan Nito

Iba-iba ang karanasan ng mga tao sa pandemya. Pero kahit papaano, sama sama tayong aahon sa krisis na ito. Heto ang mga halimbawa ng Tanka tungkol sa pandemyang COVID-19:

Pandemyang COVID
Lahat ay naghihirap
Gustong umahon
Pamumuhay bumalik
Kaayusan, makamit.

Dahil sa COVID
Marami ang nagbago
Ating “New Normal”
Dapat sundin palagi
Tungo sa kaligtasan

Huwag hawakan
Mata, ilong, at bibig
Yan ang payo ko
Na dapat ay masunod
Para ligtas sa COVID

COVID Labanan
Gamit ang ating lusog
Kaya dapat na
Masustansiyang pagkain
Ang hahanapin natin

Bagong Pandemya
Itaas ang bandera
Na tayo’y dapat
Sumusunod sa batas
At COVID ay maiwas

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment