Kamalayan Sa Sarili – Paani Ipakita Ang Kamalayan Sa Sarili? (Sagot)

Paano Ipakita Ang Kamalayan Sa Sarili? (Sagot)

KAMALAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ipapakita ang kamalayan sa sarili at ang mga halimbawa nito.

Maipapakita ng tao ang kanyang kamalayan sa sarili sa paraan ng pagtulong sa kanyang kapwa. Lalo na sa mga taong mas nangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtulong ng kapwa, nalalaman mo kung ano ang meron sa iyo.

Kamalayan Sa Sarili – Paani Ipakita Ang Kamalayan Sa Sarili? (Sagot)

Dahil dito, nakikita mo na ika’y mayroong sobra na maaari mong ibigay para makatulong sa iyong kapwa. Ika’y nagkaroon ng kamalayan na dapat mong bigyang pansin ang mga taong mas nangangailangan.

Bukod dito, ang pagpapakita ng kamalayan sa sarili ay magagawa rin sa pag-aalam ng iyong kakayanan at kahinaan ng iyong sarili. Kapag na laman mo na ito, may oportunidad ka na pagbutihin ang mga bagay na mahina ka o kaya’y mas bigyang pansin ang mga bagay na may kakayanan ka.

Isa rin sa paraan ng pagkakaroon ng kamalayan ay ang paggawa ng mga bagay na hindi mo pa na gawa. Ang paglabas sa iyong “comfort zone” ay magbibigay sa iyo ng oportunidad na tunay na malaman kung ano ang kaya mong gawin, ang iyong kagustuhan, at ang hindi mo gusto.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Lahat Ng Sobra Ay Masama – Lahat Ba Ng Sobra Ay Masama? (Sagot)

Leave a Comment