Lahat Ng Sobra Ay Masama – Lahat Ba Ng Sobra Ay Masama? (Sagot)

Lahat Ba Ng Sobra Ay Masama? (Sagot)

MASAMA ANG SOBRA – Mula pa sa mga sinaunang panahon, may nagsasabi na “Lahat Ng Sobra Ay Masama”. Pero totoo nga ba ito?

Sa paksang ito, ating tatalakayin kung totoo nga ba na lahat ng sobra ay nakakasama sa atin. Bukod dito atin ring aalamin kung bakit nga ba ito totoo o hindi at bakit.

May mga nagsasabi na kahit raw mga mabubuting bagay, kapag sobra na ay nakakasama rin. Isang halimbawa nito ay ang kabaitan. Minsan, makakakita tayo ng taong sobrang bait. Pero, dahil dito, sila’y pinagsasamantalahan.

Lahat Ng Sobra Ay Masama – Lahat Ba Ng Sobra Ay Masama? (Sagot)

Ang tanong, nagkamali ba ang mga taong ito dahil sa sobrang kabaitan nila?

Isa rin sa mga halimbawa nito ay mga masasarap na pagkain. Kapag tayo’y nakatikim ng ulam na masasarap, sigurado iyan ay mabuting bagay. Pero, ang sobrang pagkain, kahit anong sarap pa nito, ay magkakaroon ng masamang epekto sa ating katawan.

Makikita rin natin ang halimbawang ito sa medesina. Natural na ginawa ang mga medesina para mapabuti ang kalakayan ng mga tao. Pero, kapag ito’y nasobrahan, makakasama rin ito.

Kaya naman, para sa karamihan, lahat nga ng sobra ay nakakasama dahil kailangan natin ng tinatawag na balanse. Ang balanseng ito ay nagbibigay sa atin ng oportunidad para ibalik sa normal ang ating mga sarili.

Sa Taoism at Confucianism, may tinatawag na Yin at Yang. Dito, makikita natin na sa lahat ng kabutihan ay may dalang kasamaan. Pero, atin ring makikita na sa lahat ng kasamaan ay mayroong kabutihan.

Ngunit, ang lahat ng ito ay depende sa personal na pananaw at paniniwala ng isang tao. Naka depende rin ito sa kultura at tradisyon na kinalakihan nila.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Denotasyon At Konotasyon Ng Virus – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment