Panimula Ng Posisyong Papel Halimbawa At Paraan Ng Pagsulat Nito

Paano Isulat Ang Panimula Ng Posisyong Papel? (Sagot)

POSISYONG PAPEL – Sa paksang ito, ating aalamin kung paano nga ba isulat ang panimula ng posisyong papel at ang mga halimbawa nito.

Ang layunin ng isang posisyong papel ay maipaglaban ang iyong kuro-kuro tungkol sa isang paksa. Ito’y karaniwang isinulat ng may-akda o nakatukoy na entidad kagaya lamang ng mga partido pulitika. Ginagamit ang posisyong papel sa larangan ng akademya, pulitika, at batas.

Bukod dito, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagbibigay suporta sa isang isyung kontrobersiyal. Maaari rin itong tawaging sining ng paglalahad ng mga dahilan para makabuo ng patunay na matatangap ng nakaramihan.

Panimula Ng Posisyong Papel Halimbawa At Paraan Ng Pagsulat Nito

Ang panimula ng posisyong papel ay may tatlong mahahalagang bahagi:
Paglalahad ng paksa, Pagbibigay ng maikling paunang paliwanag tungkol dito, at Pagpapakilala sa tesis ng posisyong papel o ang iyong posisyong tungkol sa paksang tinatalakay.

Halimbawa:

Pagtatapon Ng Sariling Atin: (Paglalahat ng Paksa)

Malaki ang ambag ng Filipino bilang wika sa kasaysayan ng ating bansa. Pero, dahil sa modernisasyon, dahan-dahang nawawala ang halaga nito, lalo na sa mga kabataan. Kasabay ng paglabas ng bagong sistema ng K-12, maisasatupad ang kautusanng CMO No. 20 S2013. (Maikling paliwanag)

Ayon sa kautusang ito, tatanggalin na lamang ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Dahil dito, ang asignaturang Filipino ba ay wala nang silbi at Ingles na lamang ang sumisilbolo sa talino at kataasan? Hindi. (posisyon sa isyu).

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Tambalan Na Pangungusap Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment