Pangangalaga Sa Kapaligiran Halimbawa At Kahalagahan Nito

Bakit Mahalaga Ang Pangangalaga Sa Kapaligiran? (Sagot At Halimbawa)

KAPALIGIRAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

Ang ating kapaligiran ay ang lahat ng nasa paligid natin. Sabi nga nila “Cleanliness is next to Godliness. Ibig sabihin, kung kaya nating linisin ang ating mga kasalanan, dapat matuto rin tayong linis ang ating kapaligiran.

Isa sa pinakamadaling paraan ng pangangalaga sa ating paligid ay ang pag tapon ng basura sa tamang lugar. Kung walang makitang basura, ilagay muna ang basura sa loob ng bag, bulsa, o kaya’y dalhin muna hangga’t sa makakakit ng daanan.

Pangangalaga Sa Kapaligiran Halimbawa At Kahalagahan Nito

Kung titignan, ikaw lamang isa ang tatapon, pero kung lahat ng tao sa paligid ay tatapon din, dadami ng dadami ang basura sa ating kapaligiran. Bukod dito, heto pa ang mga paraan ng pangangalaga sa ating paligid:

  • Tumulong sa paglilinis sa tahanan
  • Pagtatanim ng mga halaman at puno.
  • Pag-ayos ang mga sirang gripo upang mahinto ang tumutulong tubig
  • Huwag magtapon ng dumi at basura sa ilog o sapa.
  • Patayin ang ilaw sa na hindi naman ginagamit.
  • Huwag hayaang nakabukas ang gripo ang habang nagsisipilyo.
  • Iwasan ang paggamit ng bagay na nakadulot ng polusyon.
  • Pag adboka ang ibang tao na pangalagaan ang kapaligran

Mahalaga ang paglilinis sa kapaligiran pero mas mahalaga na tangkilikin ang iba pang tao na sundin ito. Kahit nasa modernong panahon na tayo, ang problema ng ating lipunan sa basura ay palala ng palala. Ito’y dahil marami sa atin ang hindi alam ang mga masasamang epekto nito.

Sa ngayon, hindi pa nating lubusan mararamdaman ang mga ito, pero sa mga susunod na henerasyon, sigurado ay sila ang maapektuhan ng ating mga pagkakamali. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Hindi para sa atin, kundi para sa papalit sa atin sa mundo.

BASAHIN DIN: Panimula Ng Posisyong Papel Halimbawa At Paraan Ng Pagsulat Nito

Leave a Comment