Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Kaibahan Ng Blog At Vlog? (Sagot)

BLOG AT VLOG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kaibahan ng isang blog at vlog at ang mga halimbawa nito.

Sa pag unlad ng teknolohiya, umunlad rin ang mga plataporma upang maipahayag ng mga tao ang kanilang mga damdamin at opinyon. Dito pumapasok ang mga blog at mga vlog.

Ang isang blog ay “content” na naisusulat sa loob ng isang website. Kadalasan ito ay napapaloob sa website na gumagamit ng WordPress o iba pang mga “hosting platforms”.

Kaibahan Ng Blog At Vlog – Halimbawa At Kahulugan

Ang mga blog ay ginagawa ng mga tao upang maipahayag ang kanilang damdamin o kaya mag pa labas ng opinyon tungkol sa isang bagay. Napapaloob din dito ang mga karanasan ng isang tao o kaya’y mga alituntunin sa kung paano gawin ang mga partikular na bagay.

Samantala, ang isang vlog naman ay katulad din ng isang blog. Ang pinagkaiba lamang nila ay ang plataporma at paraan na kung saan ito ipinapakita sa publiko.

Sa halip na pa sulat, ang vlog ay naglalaman ng mga video na nilalagay sa mga video streaming website katulad ng YouTube at Facebook. Kadalasan, makikita mo sa mga vlog sa YouTube ay tungkol sa buhay at karanasan ng isang tao.

Dahil ito ay nasa video na pormat, maaaring mas ka aliw-aliw ito sa mas malawak na tagapanood.

BASAHIN DIN: Pantulong Na Kaisipan – Paano Ito Makukuha (Sagot)

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kaibahan Ng Blog At Vlog – Halimbawa At Kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.