Pagkakaiba Ng Kolonyalismo At Imperyalismo Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Pagkakaiba Ng Kolonyalismo At Imperyalismo? (Sagot)

IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang pagkakaiba ng kolonyalismo at imperyalismo at ang mga halimbawa nito.

Bago natin malaman ang kung ano ang pinag-kaiba ng mga nito, atin munang bigyang kahulugan ang konsepto ng imperyalismo at kolonyalismo.

Pagkakaiba Ng Kolonyalismo At Imperyalismo Halimbawa At Kahulugan

Ano ang kolonyalismo? – Ito ay isang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa isa isang bansa na mayroong mga likas na yaman. Gusto ng bansang mananakop na pagsamantalahan ang mga yaman ng bansa at ipakalat ang kanilang kultura at tradisyon.

Ano ang imperyalismo? – Ang imperyalismo ay maaaring batas o paraan ng pamamahala. Dito, ang isang malaki at makapangyarihan na bansa ay nananakop ng mga maliliit na bansa dahil sa kagustuhan nitong palawakin ang kanilang territoryo. Bukod dito, gusto rin nilang kontrolin ang pulitika para mapanatili ang kanilang kapangyarihan.

Ang malaking pagkakaiba nila ay ang kolonyalismo ay hindi lamang naglalayong makakuha ng mga yamang mineral ng ibang bansa. Sa kolonyalismo, ang mga mananakop ay may layuning manakop sa iba’t-ibang mga rehiyon. Isang halimbawa nito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Samantala, ang Imperyalismo ay naglalayong mapalaki ang kanilang territoryo sa mga malalapit na mga rehiyon. Isang halimbawa nito ay ang Imperial Japan.

Sa Kolonyalismo, makikita mo ang isang malaking pagsasalin ng mga tao sa bagong territoryo at naninirahan ng permanente. Samantala, ang imperyalismo naman ay naglalayon lamang na ipakita ang kanilang kapangyarihan sa mga nasakp na bansa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Makabuluhang Pangungusap Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment