Ambag Ni Manuel Quezon? – Ano Ang Ambag Ni Manuel Quezon Sa Wika

Ano Ang Mga Ambag Ni Manuel Quezon Sa Larangan Ng Wika? (Sagot)

MANUEL QUEZON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga ambag ni Manuel L. Quezon sa larangan ng wika.

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt. Siya rin ay kilala bilang ama ng wikang pambansa. Ngunit ano nga ba ang naiambag ni Quezon dito?

Bago pa man naging opisyal ang Pamahalaang Komonwelt sa ating bansa noong 1935 hanggang sa sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Ingles at Español ang opisyal na wika sa Pilipinas.

Ambag Ni Manuel Quezon? – Ano Ang Ambag Ni Manuel Quezon Sa Wika

Bukod dito, ang mga Pilipino sa iba’t-ibang rehiyon, probinsiya, at isla ay gumagamit ng sarili nilang wika. Dahil dito, itinadhana ng Saligang Batas ng 1935, ang pagtatatag at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Sa isang mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Asamblea noong Oktubre 27, 1936, naging pokus niya ang pagkakaroon ng isang nasyonalidad at isang estado. Dahil dito, nais niya na dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.

Pero, bago paman napili ang wikang pambansa natin, nagkaroon ng malawak at masusuing pag-aaral para suriin ang karapat-dapat na wikang gagamitin. Ang mga mananaliksik na kasama sa pag-aaral na ito ay galing sa iba’t-ibang mga rehiyon sa Pilipinas. Sila ay sina Jaime C. de Veyra ng Samar-Leyte; at kinabilangan nina Santiago A. Fonacier, isang Ilokano; Filemon Sotto, isang Cebuano; Casimiro F. Perfecto, isang Bikolano, Felix S. Salas Rodriguez, isang Bisaya mula Panay; Hadji Butu, isang Moro; at Cecilio Lopez, isang Tagalog.

Noong Disyembre 13, 1937, napirmahan ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Dito, itinadhana ang wikang Filipino bilang wikang pambansa matapos ang dalawang taon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kaugnayan Ng Kasaysayan At Panitikan – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment