Heto Ang Isang Halimbawa Ng Editoryal
HALIMBAWA NG EDITORYAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang editoryal at ang halimbawa nito.
Ang editoryal ay isang bahagi ng pahayagan. Sa isang editoryal, dito mababasa ang mga opinyon, kuru-kuro at pananaw ng patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu.
Dahil mga napapanahong isyu ang kadalsang nakasulat sa isang editoryal, ang halimbawa na gagamitin nating ay tungkol sa COVID-19.
Sa ngayon, ito ang isa sa mga isyu na dapat nating bigyang pansin. Sa Pilipinas, marami na ang namatay at nawalan ng trabaho dahil dito. Heto ang halimbawa ng isang editoryal tungkol dito:
Ayon sa mga eksperto sa mga sakit, matatagalan pa bago tuluyang mawala ang sakit na COVID-19, lalo na sa Pilipinas. Pero, dahil sa mga bagong bakuna na na imbento laban dito, may pag-asa nang magkaroon ng “immunity” ang karamihan sa mga Pilipino.
Ngunit, maraming isyu ang lumabas tungkol sa mga bakuna na gustong kunin ng gobyerno. Isa sa mga ito ay sabi ni Dr. Anthony Leachon, ang dating tagapayo ng IATF laban sa COVID-19. Nagtaka si Leachon kung bakit hindi bakuna galing sa Pfizer ang napili ng gobyerno.
Bukod dito, tinanong niya ang gobyerno kung bakit binibigyan ng prioridad ang bakuna galing sa China na hindi pa natapos ang pag-aaral tungkol sa mga epekto nito sa tao.
Subalit, atin pa ring tandaan na ang bakuna ay hindi isang mahikang solusyon sa pagkawala ng COVID-19. Ayon sa World Health Organization (WHO) dapat pa rin daw bigyan ng prioridad ang mga health protocol katulad ng “test, trace, isolate” na programa para mas mapabilis ang pagkawala ng sakit na ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Epekto Ng Kakapusan – Halimbawa At Kahulugan Nito
Thanks sayu dahil naintindahan kona meaning ng editoryal at pwede nkong makapagsulat