Pagkakaiba Ng Komunikasyon At Wika – Halimbawa At Kahulugan Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Pagkakaiba Ng Komunikasyon At Wika?”

KOMUNIKASYON AT WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng komunikasyon at wika.

Ang dalawang terminolohiyang ito ay malapit sa isa’t-isa. Pero, may malaking pagkakaiba ang dalawang ito. Una, ating masasabi na ang wika ay isang uri ng komunikasyon. Subalit, ang komunikasyon ay maraming uri at hindi lamang naka depende sa wika.

Pagkakaiba Ng Komunikasyon At Wika – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ating tandaan na ang wika ay isang sistematikong paraan ng pagbigay kahulugan sa mga tinig nakaugnay sa mga salitang isinusulat. Pero kapag komunikasyon na ang pinag-uusapan, maaari itong maging berbal at di berbal.

Sa mga hayop, kahit hindi sila nag sasalita o kahit na wala silang tunog, mayroon paring nangyayaring komunikasyon. Maaari itong dahil sa body language o iba pang mga pandama katulad ng pag-iiba ng hangin, biglaang paginit, o iba pang natural na mga pangyayari.

Sa madaling salita, ang wika ay isa lamang sa mga instrumento upang magkaroon tayo ng tinatawag na komunikasyon. Para sa mga tao, ito ang pinakamadaling paraan ng pagbibigay ng impormasyon. Subalit, hindi lamang ito ang nag-iisang paraan para magkaroon ng komunikasyon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Uri Ng Kalamidad Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Leave a Comment