Ano Ang Konsepto Ng Buhay Ng Tao? (Sagot)
KONSEPTO NG BUHAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang konsepto ng buhay ng isang tao at ang kahulugan nito.
Sa ating mga oras, araw, at taon na tayo’y nabubuhay sa mundo, bilang isang tao, hinahanap lagi natin kung ano nga ba ang mga layunin natin sa buhay.
Ilan lamang sa mga pinagsisikapang makamit ng tao ay ang tagumpay sa negosyo, pagkakamal ng maraming salapi, pagkakaroon ng mabuting relasyon, pag-aasawa at paggawa ng mabuti sa kapwa at marami pang iba.

Lahat tayo ay mayroong iba’t-ibang pananaw, iba’t-ibang mga layunin, at iba’t-ibang mga pangarap na gustong makamit. May mga bagay tayo na gustong gawin para sa ating mga mahal sa buhay katulad ng pamilya at kaibigan. Ngunit, may mga bagay rin na gusto nating gawin para sa ating sarili.
Halimbawa, marami sa atin ang gustong makapagtapos ng ating pag-aaral, ngunit may ibang tao na gusto na lamang pumasok agad sa negosyo. Ang tanong dito, may mali ba o tama sa mga kagustuhan ng taong ito? Sa madaling salita, wala.
Lahat tayo ay may kakayahang gumawa ng sarili nating desisyon para sa sarili nating kinabukasan. Ito ang isa sa mga halimbawa ng konsepto ng buhay na dapat nating bigyang pansin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Kalikasan Ng Agenda? – Halimbawa At Kahulugan Nito