Kahulugan Ng Nagugulumihan At Mga Halimbawa Nito

Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng Nagugulumihan? (Sagot)

NAGUGULUMIHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang “nagugulumihan” at ang mga halimbawa nito.

Sa Ingles, ang salitang ito ay “Confused”. Sa Tagalog, kasingkahulugan ito ng nalilito, hindi naiintindihan, hindi nakakaunawa, o nahihirapang umitindi. Ang salitang ito ay ginagamit kapag hindi klaro o mahirap unawain at intindihin ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Heto ang mga halimbawa ng pag gamit ng salitang nagugulumihan sa mga pangungusap.

Kahulugan Ng Nagugulumihan At Mga Halimbawa Nito
  • Nagugulumihanan ako sa mga gawain ko sa trabaho. Intern pa lamang kasi ako at dalawang buwan pa lang akong pumapasok.
  • Nagugulumihanan ako sa nararamdaman ko. Gusto kong sumali sa paligsahan pero parang hindi ako sigurado sa mga talento ko.
  • Si Peter ay nagugulumihan sa naganap na aksidente na nangyari sa kanyang harapan.
  • Matapos ang kanyang mahika, si Hector ay nagugulumihan sa kung paano iyon ginawa ng salamangkero.
  • Ako’y nagugulumihan sa ating relasyon, mahal mo ba ako, o ako lang ba ang nagmamahal para sa ating dalawa?

Ating tandaan na basta nasa isang sitwasyon na may matinding hindi pagkaunawaan, ang salitang “nagugulumihan” ay maaari nating gamitin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Pormal At Di Pormal Tungkol Sa Guro

1 thought on “Kahulugan Ng Nagugulumihan At Mga Halimbawa Nito”

  1. Ang nagugulumihan ay ginagamit kung hndi klaro o mahirap intindihin ang isang paksa o bagay.
    SA ingles ang nagugulumihan ay confused
    SA tagalog ay mahirap maintindihan o hndi maintindihan.

    Reply

Leave a Comment