Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Layunin Ng Buod At Halimbawa Nito? (Sagot)

LAYUNIN NG BUOD – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga layunin ng isang buod at ang kahulugan at halimbawa nito.

Ang pangunahing layunin ng buod ay mapaikli ang kabuuan ng isang kwento. Ngunit, hindi sapat na ito’y mapaikli lamang. Ating tandaan na ang paggawa ng isang buod ay ganun rin kahalaga sa paggawa ng buong kwento.

Dapat nating tignan ang isang buod bilang isang malikhaing pagsulat ng mga mahahalagang parte ng kwento na hindi naibibigay ang lahat ng mga impormasyon. Ang layunin nito ay makuha ang atensiyon ng isang potensiyal na tagabasa.

Layunin Ng Buod Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Kaya naman, dapat ang iyong buod ay nakaka-akit basahin at hindi nagbibigay ng lahat ng impormasyon para ma-eenganyo ang taga basa na basahinan ang buong libro.

Ito rin ay isang paraan upang maturuan ang mga mambabasa kung paano mag pokus sa mga mahahalagang impormasyon sa isang teksto. Kasama na rito ang pag-aaral sa mga mahahalagang keywords na dapat nating tandaan.

Heto ang mga dapat aalahin na mga tanong sa paggawa ng isang buod:

  • Ano ang pangunahing paksa ng kwento?
  • Ano ang mga mahahalagang detalye para sumuporta sa paksa?
  • At, ano ang mga impormasyon na hindi kailangan?

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Tinig Ng Ligaw Na Gansa Buod At Gintong Aral Nito

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Layunin Ng Buod Halimbawa At Ang Kahulugan Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.