Share to Facebook Share to Twitter More...

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Photo Essay Sa Iba’t-ibang Paksa

PHOTO ESSAY – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga halimbawa ng photo essay sa Tagalog tungkol sa iba’t-ibang mga paksang napapanahon.

PAG-IBIG

Halimbawa Ng Photo Essay: 5+ Na Photoessay Sa Iba't-Ibang Paksa



Ang pag ibig ay natural na sa ating mga tao. Ito ang nagbibigay inspirasyon sa atin sa maraming bagay ngunit ang salitang ito ngayon ay iniisip na lamang sa pagitan ng magkaibang kasarian. Ang kahulugan nito ay nililimitahan na lamang sa romansang aspeto nito. Naisip mo ba na may pag ibig nang nakalaan sa iyo simula nang ipinanganak ka? Kahit nasa sinapupunan ka pa lang nang dinala ka niya ng siyam na buwan ay lubos nang pagmamahal ang ibinuhos niya sa iyo.

PANALANGIN

Halimbawa Ng Photo Essay: 5+ Na Photoessay Sa Iba't-Ibang Paksa

Una natin silang naging guro bago pa tayo nakapunta sa paaralan. Tinuturuan nila tayo ng mabuting asal at pinakilala sa taong mas higit na nagmamahal sa ating lahat at iyon ay ang Diyos. Marami tayong natutunan sa kanila mula pagkabata hanggang sa tayo’y lumaki na.

PAGMAMAHAL SA INA

Halimbawa Ng Photo Essay: 5+ Na Photoessay Sa Iba't-Ibang Paksa


Palagi tayong pinapagalitan dahil sa mga kamalian natin. Papaluin kapag hindi natin masagutan ang mga takdang aralin o di kaya ay sisigawan kapag umuwi na nang gabi. Siguro nga ay iniisip natin sa panahong iyon na tama ang ating ginagawa ngunit atin ring maiinitindihan sa huli na kabutihan lamang ang ninanais nila para sa atin.

SAKRIPISYO NG INA

Katibayan at katapangan ang palagi nating nakikita sa mukha nila ngunit ang hindi natin alam ay may kahinaan rin sila. Habang tayo’y nagsasaya sa labas kasama ang mga kaibigan ay maaaring iyon din ang oras kung saan iniiyak nila lahat ng bigat na naiipon sa kanilang dibdib.

Gagawin nila ang lahat upang maibigay ang lahat ng kagustuhan natin kahit pa na wala nang matitira para sa kanila. Ganyan sila magmahal. Iniisip muna ang kapakanan ng anak bago ang sarili. Kadalasan nga ay nalilimutan na nila ang sariling kapakanan dahil iniisip lamang nila kung paano tayo mapapabuti.

Natural na sa tao ang konsepto ng pag ibig at karamihan sa atin ay ninanais na makahanap nito kung kaya’t sa ating paghahanap ng pag ibig ay huwag nating kakalimutan ang unang nariyan para sa atin,ang taong gagawin ang lahat para sa ating kapakanan, at ang taong labis ang pagmamahal sa atin mula umpisa. Ang ating mga ina.

BASAHIN RIN: Ano Ang Neokolonyalismo? Kahulugan At Halimbawa Nito

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Halimbawa Ng Photo Essay: 5+ Na Photoessay Sa Iba’t-Ibang Paksa". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.