Alamat Ng Durian Buod At Aral Na Makukuha Sa Kwento

Alamat Ng Durian Buod At Gintong Aral Ng Kwento

ALAMAT NG DURIAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang buod at ang gintong ara na makukuha sa “Alamat Ng Durian”.

Nagsisimula ang alamat na ito sa isang bayan sa Mindanao. Dito naninirahan ang isang matandang kilala bilang “During”. Kilala ito bilang isang matandang sobra sa kasungitan.

Kadalasan siyang makikita na nananakot sa mga bata. Sabi rin ng mga tao sa bayan na siya raw ay may lahi ng mangkukulam. Kaya naman, nasanay na si Tandang During na mamuhay ng mag-isa. Ito’y matapos mamatay ang kanyang asawa at anak.

Alamat Ng Durian Buod At Aral Na Makukuha Sa Kwento

Simula noon, nag-aalaga na lamang si Tandang during ng kanyang mga tanim na halaman. Dahil sa kasungitan nito, siya rin ay iniiwasan ng mga tao. Pagkatapos ng ilang mga tao, masungit pa rin si Tandang During.

Pero, isang gabi, nagkaroon ng masamang amoy sa buong bayan. Nanatili ito hanggang sa nagsama-sama ang mga tao sa lipunan upang hanapin ang amoy.

Tiyak nilang galing kay Tandang During ang amoy na ito. Sinundan nila ito papunta sa bahay ng matanda. Subalit, hindi na nila nakita si Tandang During. Ngunit, sila ay may napansin na puno na may bunga na ang balat ay matinik. Dahil sa sobrang kahinugan ay bumuka na ang balak nito.

Isang lalaki ang sumubok na tikman ito. Nagtakip ang lahat ng ilong ng buksan nila ang prutas pero ang lahat ay nasarapan sa misteryosong bunga.

Simula noon, tinawag nila ang puno na “Durian”.

ARAL – Katulad lamang ng Durian, si Tandang During ay mayroong hindi kanais-nais na labasang anyo. Pero, kung ating bigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili upang siya’y intindihin, sigurado ay makikita natin na siya ay mabait rin pala at matamis.

Ang gintong aral sa Alamat Ng Durian ay hindi dapat tayong humusga sa panlabasang anyo ng mga tao. Siguro naman may rason kung bakit naging masungit si Tandang During. Ating tandaan na siya ay nawalan ng mga taong mahal niya sa buhay. Kaya bilang mga responsabling tao, dapat nating intindihin ang ating mga kapwa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Parabula Sa Bibliya Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Leave a Comment