Ano Ang Pantig? Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Ano Ang Halimbawa Ng Pantig At Kahulugan Nito? (Sagot)

PANTIG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na pantig at ang mga halimbawa nito.

Ang isang pantig ay mas nakikila bilang isang tunog ng ating lalamunan. Ito’y nangyayari kasabay ng paggalaw ng ating mga bibig at pagsaltik ng ating dila na walang antala.

Ano Ang Pantig? Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Kung titignan natin sa isang pormal na paraan, ang pagpapantig ay ating binibigyan ng simbolong letrang “K” para sa katinig. Samantala, ang patinig naman ay ginagamitan natin ng simbolong “P”.

Heto ang mga halimbawa: P, KP, PK, KPK, KKP, PKK, KKPK, KPKK, at KKPKK.

Mga kayarian at halimbawa ng mga pantig:

  • P (patinig) – Halimbawa: a-kin
  • KP (katinig – patinig) – Halimbawa: ba-ba
  • PK (patinig – katinig) – Halimbawa:  ak-lat
  • KPKK (katinig- patinig – katinig – katinig) – Halimbawa: nars
  • KKPKK (katinig – katinig – patinig – katinig – katinig) – Halimbawa:  trans-por-ta-syon

Ating tandaan na ang patinig ay may kaibahan sa katinig. Ito’y dahil ang patinig ay may tinig kung ating bibigkasain. Samantala, ang katinig naman ay posibleng magkaroon ng tinig o walang tinig ayon sa wikang ginagamit.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pang Abay Na Pamanahon – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment