Ano Ang Banghay Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Ano Ang Banghay At Halimbawa Nito? (Sagot)

BANGHAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang banghay at ang iba’t-ibang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang isang banghay ay naglalarawan sa maayos at konkretong pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan ng sa isang paksa o sa isang kwento. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “outline”.

Ano Ang Banghay Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Bukod rito, ang Banghay ay may tatlong bahagi. Ito ang simula, gitna, at wakas.

  • Simula – dito nababanggit ang kilos, pagpapakilala sa tao, mga hadlang o suliranin
  • Gitna – naglalaman ng sunud-sunod at magkakaugnay na mga pangyayari.
  • Wakas – nagkakaroon ng kalutasan ang problema o suliranin.

Ang isang banghay ay mayroon ring iba’t-ibang mga elemento. Ito ang mga sumusunod:

  • Panimulang Pangyayari – dito ipinapakita ang mga tauhan at ang mga lugar o tagpuan ng isang kuwento.
  • Pataas na Aksyon – dito nakikita ang pagtindi ng mga pangyayari o galaw ng mga tauhan. Ito’y maaaring humantong sa sukdulan at nahahati sa dalawang bahagi – saglit na kasiglahan at tunggalian.
  • Pababang Aksyon – sa parteng ito, natapos na ang tinatawag na “climax” at wala nang masyadong aksyon ang nagaganap. Ang mga katanungan sa unang bahagi ng kwento ay nasasagot na.
  • Wakas at Katapusan – ang kahihinatnan ng mga tauhan ay makikita rito batay sa mga pangyayaring naganap.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Tula Para Sa Magulang Halimbawa At Kahulugan Nito

3 thoughts on “Ano Ang Banghay Halimbawa At Ang Kahulugan Nito”

Leave a Comment