Pagkakaiba Ng Epiko Sa Maikling Kuwento – Kahulugan At Halimmbawa ​

Ano Ang Pagkakaiba Ng Epiko At Maikling Kwento? (Sagot)

EPIKO AT MAIKLING KWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng isang epiko sa isang maikling kwento.

Makikita natin agad na ang pinakamalaking pagkakaiba ng dalawang uri ng kwentong ito ay ang kanilang haba. Ang mga epiko ay may mas malawak na sakop. Dahil dito, sobrang laki at haba ng mga kwentong ating makikita.

Pagkakaiba Ng Epiko Sa Maikling Kuwento – Kahulugan At Halimmbawa ​

Samantala, ang maikling kwento naman ay madali lamang basahin at ang aral ay madaling makuha. Isa rin sa mga pagkakaiba nila ay ang paraan ng pagbigay ng aral. Sa isang epiko, maraming tema at paksang tinatalakay sa mga kwento. Kaya naman may iba’t-ibang aral tayo na makukuha.

Kadalasan rin sa isang epiko, ang mga tauhan ay mga diyos, diyosa, at mga makapangyarihang nilalang at mga bayani. Samantala, sa isang maikling kwento, ang mga tauhan ay nakabase sa totoong mga pangyayari at sumasalamin sa totoong buhay.

Marami pang mga pagkakaiba ang dalawang kwentong ito, subalit dapat tandaan natin na sila ay bahagi ng ating karunungang bayan. Kaya naman ,dapat natin itong bigyang halaga at tangkilikin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Ano Ang Suliranin – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment