Ano Ang Tunggalian – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Tunggalian? (Sagot)

ANO ANG TUNGGALIAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng tunggalian at ang mga halimbawa nito.

Ang tunggalian ay nagiging instrumento para sa madudulang tagpo. Ito’y ginagamit para makapagbigay ng kapana-panabik na mga pangyayari.

Ito ang pakikipagsapalaran o pakikipagtunggali ng mga sentrong tauhan laban sa mga hamon na kanyang kinakaharap. Minsan, ito ay mga problema sa kanyang sarili, sa kapwa, o kaya sa mga kalikasan na nagpapalibot sa kanya.

Ano Ang Tunggalian – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ito rin ay humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ngunit, sa isang maikling kuwento, kadalasan isa lamang ang problema o hamon na hinaharap ng pangunahing tauhan. Samantala, kung nobela naman, maraming hamon ang hinaharap hindi lamang ng pangunahing tauhan, kundi ang ipa pang karakter.

Halimbawa ng Tunggalian

  • Dahil sa sobrang init o lamig ng panahon, kailangan ng mga tauhan na bigyan solusyon ang problema upang sila’y mamuhay ng mapayapa.
  • Mga kalamidad katulad ng lindol, sunog, at baha ang kalaban ng tao na kadalasan ay pinagbubuwisan ng buhay.
  • Ang pagkakaroon ng hindi paguunawa ng mga tao na nagdudulot ng labanan.
  • Tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao tulad ng nilalabanan ng anak ang takot na pupuwedeng mamatay o mawala o kaya kung ano ang maaaring mangyari sa mga magulang niya na may sakit.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Ibat-Ibang Uri Ng Tunggalian – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment