Samahan Organisasyong Pandaigdig Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Halimbawa Ng Mga Samahan O Organisasyong Pandaigid?

SAMAHAN ORGANISASYONG PANDAIGDIG – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng samahan o organisasyong pandaigid.

Ang mga organisasyong pandaigdig ay samahan ng mga mga opisyal galing sa iba’t-ibang parte ng mundo. Heto ang mga halimbawa ng mga samahan o organisasyong ito:

Samahan Organisasyong Pandaigdig Halimbawa At Kahulugan

World Bank – Ang layunin ng samahan na ito ay bumigay ng tulong teknikal at pananalapi ang mga bansa. Ito’y para sa mga proyekto ng gobyerno, emerhensiya katulad ng pandemya ngayon, at iba pang pinansiyal na pangangailangan.

Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) – Ang samahang ito ay mula sa Timog-Silangang Asya, ang pagkakabuklod bukllod ng mga bansa sa dakong ito ay naglalayon na mapaunlad ang ekonomiya, edukasyon, at lipunan.

European Union (EU) – Itinatag at biunuo noong taong 1992, ang organisasyong ito ay sumasakop sa 27 bansa para sa pang-ekonomiko at politikal na pangangailangan. Ito’y ginawa para mapaganda ang mga alituntuning pang-ekonomiko, pampubliko, kalakalan, at ugnayang panlabas.

International Monetary Fund(IMF) – Ang internasyunal na organisasyong ito ay naglalayon na pamahalaan at gawing tiyak ang palitan ng mga halaga. Ang organisasyong ito ay nagbibigay din ng tulong sa mg bansang nangangailangan.  

Organizationof Islamic Cooperation(OIC) – Ito ay organisasyon na itinataguyod ng may 57 na estado ng mga bansang muslim; nilalayon nito ang kapayapaan, pagkakaunawaan, at matiyak ang siguradad.

World Trade Organization – Ang organisasyong ito ay itinatag noong ika-1, Enero taong 1995 kapalit ng Pangkalahatang Kasunduan ng mga taripa at kalakalan (GATT). Nilalayon nito na bigyang kalayaan ang mga bansa sa internasyunal na kalakalan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pagkakatulad Ng Dayalek At Idyolek – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment