Gamit ng “Ng” at Mga Halimbawa ng Pangungusap na Gumagamit Nito
“NG” HALIMBAWA – Narito ang ilang mga halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng pang-ugnay na “ng”.
Pagdating sa mga topiko sa asignaturang Filipino, isa sa mga ito na marami sa atin ay medyo nahihirapan ay pagdating sa wastong gamit ng pang-ugnay na “ng”.
Hindi maikakaila na may mga pagkakataong nagdadalawang-isip tayo kung “nang” o “ng” ang dapat gamitin. Narito ang mga gamit ng pang-ugnay na nang:
- ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit
- pampalit sa “na at ang”
- para magsaad ng kilos
Pagdating naman sa gamit ng pang-ugnay na “ng”, ito ay ginagamit sa pang-uring pamilang, sa mga pangalan, para magsaad ng pagmamay-ari, at bilang pananda sa gumaganap ng pandiwa.
“Ng” – Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng Pang-ugnay Na Ito
… kasunod ng mga pang-uring pamilang:
- Kumain ng apat na itlog si Raul bago umalis kaninang umaga.
- Binilhan ni Timothy ng labindalawang-oras ang kanyang nakababatang kapatid sa kaarawan nito.
- Nilagyan ni Santino ng walong patatas ang ulam na niluluto niya.
… ginagamit sa mga pangalan:
- Bumili ng sasakyan ang ama ni Anthony para maihatid sila sa paaralan tuwing umaga.
- Nilagyan niya ng palamuti ang mga bintana ng bahay nila.
- Kumain ng mansanas ang batang may sakit dahil sinabihan siya ng nanay niya.
… upang magsaad ng pagmamay-ari:
- Ang bahay ng pamilya ni Quen sa Taguig ay nasunog kahapon.
- Ang pagmamahal ng mga tao ang dahilan ng pagkapanalo ni Roldam sa halalan.
- Ang yaman ng mga Gutierrez ay hindi mabilang.
…. bilang pananda sa pandiwa:
- Inalis ng lalaki ang mga pinta sa sapatos ng kabiyak niya.
- Binuhat ng mag-ama ang babaeng nawalan ng malay sa gitna ng maraming tao sa palengke.
- Sumigaw ng malakas si Tonyo nang makitang parating na ang mga pulis.
Pwede ring bisitahin – “NANG” – Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng “Nang”.