Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Wika Ng Pagbabago? (Sagot)

FILIPINO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba Filipino ang tinatawag na “Wika Ng Pagbabago”.

Alam nating lahat na ang wika ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating pagkakakinlanlan at kultura. Ito rin ang nagsisilbing instrumento ng komunikasyon ng lahat ng tao sa ating lipunan.

Kaya naman, matatawag natin ng Wikang Pagbabago ang Filipino dahil kabahagi ito ng proseso ng pagbabago at pagkaisa ng mga Pinoy. Ang Wikang Filipino ay ang kabuuan ng mga wika at diyalektong nakikita sa Pilipinas.

Wika Ng Pagbabago – Ano Ang Wika Ng Pagbabago?

Sa wikang Filipino, binibigyang-tinig ang tuwa, kalungkutan, galit, pag-asa, at iba pang emosyon, at pangarap ng ating mga kababayan. Dahil dito, tungkulin nating paunlarin at pagyamin at bigyang halaga ang ating sariling wika.

Naitutulay ng wikang Filipino ang pamahalaan at mamamayan sa madaling lapitan ngkaraniwang tao. Halimbawa, ang dayalekto ng Davao ay Davaoeño samantalang Chavacano naman ang sa Zamboanga.

Hindi sila magkakaunawaan kung gagamitin nila ang kanilang sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang wikang Filipino na siyang lingua franca ng ating bansa, ang komunikasyon ay nagiging posible.

Kaya matatawag natin sa Ingles na “multi-based” language ang Filipino. Kaya, hindi lamang wikang Tagalog ang ginagamit bilang batayan, kundi ang iba pang wikain sa bansa kasama na ang mga banyagang salita na naging bahagi ng ating kasaysayan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Aral Sa Ang Ama – Mga Mahahalagang Aral Sa Kwentong “Ang Ama”

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Wika Ng Pagbabago – Ano Ang Wika Ng Pagbabago?". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.