Bakit Mahalaga Ang Pagpapatwad – Paliwanag At Iba Pa!

Bakit Mahalaga Ang Pagpapatwad? (Sagot)

Bakit Mahalaga Ang Pagpapatwad – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang pagpapatawad sa mga taong naka gawa ng masama sa atin.

Kapatawaran ay ang pagbibigay ng paumanhin ng hindi nagbibigay ng kaparusahan sa taong nagkasala o nagkamali sa iyo. Isa ito sa mga salitang mahirap bitawan lalo na kapag mabigat at matindi ang pagkakasala ng tao.

Bakit Mahalaga Ang Pagpapatwad – Paliwanag At Iba Pa!

Bilang mga tao lamang, likas sa atin ang pagiging makasalanan, sinasadya man o hindi. Walang sino man sa atin ang malinis sa bahid ng kasalanan dito sa mundo. Kaya dapat tayo magpatawad dahil tayo ay nagkakasala din at humihingi rin ng kapatawaran sa iba.

Ang pagpapatawad at paglimot sa kasalanang nagawa ng kapwa ay hindi para sa nagkasala lamang kung hindi para rin sa taong nagawan ng atraso dahil sa paraang ito ikaw ay nagpapalaya sa sarili mo. Pagpapalaya sa sakit na nadarama mo, sa galit, lungkot, poot, hinanakit, at sama ng loob.

Minsan kailangan mo ring patawarin ang iyong sarili para tuluyang mapatawad ang iba. Hinahanap mo ang kamalian sa iba upang maitago ang pagkakamali ng sarili mo. Ang pagpapatawad ang siyang tutulong sayong magkaroon ng wastong pag-uugali na magdadala sayo sa mas maganda at tahimik na buhay.

Hindi tanda ng kahinaan ang pagpapatawad, sa halip ito ay pagpapakita ng lakas. Lakas dahil sa kabila ng nangyari ikaw ay nagpapatuloy at sa huli ikaw ay magtatagumpay.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pangunahing Pagkain ng INDONESIAN? (Ang Sagot)

1 thought on “Bakit Mahalaga Ang Pagpapatwad – Paliwanag At Iba Pa!”

  1. MAHALAGA MAG PATAWAD DAHIL ANG PAPATAWAD AY MALAKING PAG PAPASALAMAT DIN YUN DAHIL SIGUROO BUMAWI KA DIN KAYA KA NYA PINATAWAD KAYAA GAWIN NYOPO LAHAT BASTA MAPATAWAD KALANG NG ISANG TAO

    Reply

Leave a Comment