Alamat Ng Kasoy Buod, Mga Mahahalagang Aral At Iba Pa!

Ano Ang Buod Ng Alamat Ng Kasoy? (Sagot)

ALAMAT NG KASOY – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang buod ng kwentong “Alamat ng Kasoy” at iba pang mahahalagang aral nito.

Dati, lahat ng hayop na naroon sa isang gubat ay masayang nagkakantahan at nagsasayawan. Pero, sa isang sulok ng gubat, may isang bagay na nakikinig lamang sa kasiyahan ng mga hayop at ito’y na inggit. Ito ay walang iba kundi ang buto ng kasoy.

“Sana ay makalaya ako dito sa madilim na kinalalagyan”, palihim na pangarap ng kasoy. Nagpatuloy ang kasiyahan maging ang dasal ng kasoy. Pati na rin ang isang engkantada ay hindi napigilang makisama sa kasiyahan ng mga hayop.

Alamat Ng Kasoy Buod, Mga Mahahalagang Aral At Iba Pa!

Ngunit, sa gitna ng kasiyahan, narinig niya ang tinig ng nakaka-awang kasoy. Matapos ito, bigla nalang nagpakita ang kasoy sa engkantada. Sa isang kumpas nito, nakalabas na ang kasoy sa kanyang pinaglalagyan.

Tuwang tuwa ang kasoy sa kanyang mga nakitang kagandahan nanakapaligid sa kanya. “Butihing diwata nais ko sanang manatili dito sa labas at ayoko nang bumalik sa madilim na pinang galingan ko”, sabi ng kasoy.

Pinagbigyan ito ng engkantada. Pero, pagkatapos ng ilang oras, umalis na agad ang mga hayop dahil biglang sumingit ang panahon. Umulan ng malakas na may dalang kulog at kidlat. Natakot ang kasoy at muling nagdasal at humingi ng tulong sa engkantada.

Pero wala nang nakarinig sa mga sigaw ng kasoy. Pagkatapos ng ulan, lumitaw muli ang engkantada, nakita niya ang kasoy na nakabaluktot at hindi na makapag salita.

Sabi ng diwata, ito raw ay aral para sa kanya na ang lahat ng bagay raw ay may kaniya-kaniyang kalalagyan dahil ito ay pinagkaloob ng Diyos. At mula noon, ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kahulugan Ng Adhikain – Paliwanag At Mga Halimbawa Nito

2 thoughts on “Alamat Ng Kasoy Buod, Mga Mahahalagang Aral At Iba Pa!”

Leave a Comment