Salitang Mauugnay Sa Ama At Ang Paliwanag Nito

Ano Ang Mga Salitang Mauugnay Sa Ama? (Sagot)

SALITANG MAUUGNAY SA AMA – Ang mga Ama natin ay tinatawag na haligi ng tahanan sapagkat siya ang tumatayong proteksyon ng kanyang buong pamilya.

Sa paksang ito, ating aalamin ang iba pang mga salita na puwedeng maugnay sa salitang “Ama”.

Matapang – Ang mga tatay ay matapang dahil sila ay nagsisilbing taga bantay ng pamilya. Kahit anong hirap ng buhay, sila ay matapang na humaharap sa mga problema para maitaguyod ang kanilang pamilya.

Salitang Mauugnay Sa Ama At Ang Paliwanag Nito

Mapagmahal – Bukod sa lahat, ang mga ama ay mapagmahal sa kanilang pamilya kahit hindi nila palaging sinasabi ito. Sila ay nagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng mga ginagawa niya para sa kanyang pamilya.

Madisiplina – Mahalaga ang disiplina sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Kapag madisiplina ang bata, ito lalaking may respeto sa kapwa at sa sarili, lalo na sa kanyang pamilya.

Heto pa ang ibang halimbawa ng mga salita na mauugnay sa Ama:

  • maalaga – Ang mga ama ay maalaga sa kanilang pamilya dahil sila’y kumakayod palagi para matustusan ito.
  • maalalahanin – Kung ikaw ay may problema, ang isang ama ay laging nariyan para gumabay sa inyo at tulungan kayo.
  • responsable – Isa sa pinakamahalang aspeto ng disiplina ang pagiging responsable. Bilang haligi ng tahanan, mahalaga ang pagiging responsable dahil sa mga ama naka salalay ang pamilya.
  • mabait – Hindi lang dapat strikto ang isang ama, minsan dapat kailangan ring maging mabait.
  • masipag – Isa sa pinaka masipag na tao ay ang mga ama at makikina natin ang halimbawa ng kanilang kasipagan sa pag-aalaga ng kanilang pamilya.

BASAHIN RIN: Mahalagang Konsepto Ng Ekonomiks – Kahulugan At Iba Pa!

Leave a Comment