Share to Facebook Share to Twitter More...

Heto Ang 10+ Na Mga Halimbawa Ng Tanaga Tungkol Sa Kaibigan

TANAGA TUNGKOL SA KAIBIGAN – Ang tanaga ay isang maikling tula na mula pa sa mga katutubong Pilipino. Kadalasan wikang Tagalog ang ginagamit para sumulat nito.

Heto na ang mga halimbawa ng mga tanagang tungkol sa kaibigan:

Tanaga Tungkol Sa Kaibigan: 10+ Halimbawa Ng Mga Tananga

Ang aking kaibigan
Palaging nariyan
Maaasahan kapag kailangan
Handang sa katapusa
n

Kaibigan kong tunay
Narito sa panghabang buhay
Laging maaasahan
Kahit magpakailanman

Walang hihigit pa dito
pagmamahal ng aking “amigo”
Hindi niya ako pinapabayaan
Handang tumulong
Laging nariyan

Sa mundong walang tigil
Ika’y laging nakakagigil
Mahal kong kaibigan
Hinding hindi kita pababayaan

Sa hirap at ginhawa
Kaibigan ko’y laging nariyan
Sa panahong ako’y nakaka-awa
Handa lagi akong tulungan

Katuwang sa pangangailangan
Sa kahirapan siya’y nariyan
Taong masasandalan mo
Itong kaibigan kong totoo

Ika’y aking hihintayin
Hangga’t sa muli nating pagkita
Lagi kitang aalahanin
Ang kaibigan kong makata

Ilang taong puno ng ligaya
Iyon ay dahil sa iyo
Kaibigan kong malaya
Sana hindi ka magbabago

Para sa aking kaibigan,
Itong maiksing tula
Narito ako para sayo
Kahit iniwan ka ng iyong sinta

Ang katoto kapag tunay
Hindi ngiti ang pang-alay
Kundi isang pangako
Na hinding-hindi maglalaho

Magkapatid ang turingan
Palaging nagdadamayan
Magkaibang dugo man ang nananalaytay
Aming relasyon walang kapantay

BASAHIN RIN: Tula Tungkol Sa Pamilya – Mga Halimbawa Ng Tulang Pampamilya

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Tanaga Tungkol Sa Kaibigan: 10+ Halimbawa Ng Mga Tananga". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.