Share to Facebook Share to Twitter More...

Bakit Mahalaga Ang Pabula? (Sagot)

BAKIT MAHALAGA ANG PABULA – Ang Pabula ay isang mahalagang parte ng ating panitikan. Pero bakit mahalaga itong pag aralan?

Ang Pabula ay isang kwento kung saan ang mga hayop ay gumaganap ng mga tauhan sa kwento. Kung titignan natin, pambata lamang ang mga kwentong ito. Subalit, may mga mahahalgang mensahe na ipinapahiwatig ang isang pabula.

Bakit Mahalaga Ang Pabula? – Kahalagahan Ng Pag-aaral Ng Pabula

Isa sa mga rason kung bakit mahalaga ang mga kwentong ito ay dahil pinapakita nito ang kultura ng Pilipinas. Bukod rito, ang mga kwento ay nagbibigay ng aral pwede nating gamitin pang habang buhay.

Kahit na mga hayop ang tauhan sa mga pabula, ang mga pangyayari ang masasalamin natin sa toong pangyayari sa buhay. Kadalasan, may mga kontrabida tayong makikita sa pabula.

Gayunman, dapat nating iwasan ang mga ginagawa nila at sundin ang mga magandang asal na pinapakita ng bida. Heto ang mga halimbawa ng mga pabula:

  • Ang Agila at ang Maya
  • Ang Aso at Uwak
  • Daga at Leon
  • Pabula ng Kabayo at Kalabaw
  • Ang Madaldal na Pagong.
  • Si Matsing At Si Pagong

Ang isa pang rason kung bakit mahalaga ang pabula ay dahil may gana ang kabataan na makinig sa ganitong klaseng kwento. Katulad laman ng sinabi ni Rizal na ang Kabataan ay Pag asa ng bayan. Kapag na gawang mapa enjoy sa pagbasa ang mga bata, lalaki itong may pagmamahal sa mga libro at sa pag-aaral.

BASAHIN RIN: Matsing At Pagong Buod At Mga Aral Mula Sa Kwento

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Bakit Mahalaga Ang Pabula? – Kahalagahan Ng Pag-aaral Ng Pabula". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment