Ano Ang Ibig Sabihin Ng MAR Sa Florante At Laura?

Ano Ang Ibig Sabihin Ng MAR Sa Florante At Laura?

MAR SA FLORANTE AT LAURA – Sa paksang ito, ating alamin ang ibig sabihin ng akronym na MAR sa Florante at Lauira ni Francisco Balagtas.

MAR SA FLORANTE AT LAURA

Ang kwentong ito ay isinulat ni Francisco Baltazar y de la Cruz o mas kilala bilang si Francisco Balagtas.

Ang buong titulo ng kwentong ito ay:

Tagalog
Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang “cuadro histórico” o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa Imperyo ng Gresya at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog

o sa Ingles na

The History of Florante and Laura in the Kingdom of Albania: Adapted from some “historical pictures” or paintings that tell of what happened in early times in the Greek Empire, and were set to rhyme by one delighting in Tagalog verse

Isinulat ito ni Balagtas ng nasa kulungan siya. Ang kwentong ito ay kinakailangang babasahin ng mga estudyanteng Grade 8 (2nd Year high school noon) sa bansang Pilipinas.

Sa kwentong ito may nakasulat na akronym na MAR na tinatawag ring Selya. Pero ano ang ibig sabihin nito?

Sagot

Ang ibig sabihin ng MAR ay walang iba kundi Maria Asuncion Rivera.

Si Maria Asuncion Rivera ay ang Pilipinang babae na binigyang dalisay na pag-ibig ni Balagtas. Si Maria rin ang nagsilbing inspirasyon ni Balagtas na, gaya ng sinabi sa itaas, ay tinatawag ding “Selya” sa kwentong ito.

BASAHIN DIN: Born With A Silver Spoon – Meaning Of This Expression

Leave a Comment