Kaibahan Ng Sanaysay At Talumpati – Pamaraan, Layunin, At Iba Pa!

Ano Ang Kaibahan Ng Sanaysay Sa Talumpati? (Sagot)

KAIBAHAN NG SANAYSAY AT TALUMPATI – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang pagkakaiba ng sanaysay sa talumpati.

Ang talumpati ay naihaharap sa maraming tao. Bukod rito, ang mensahe ay direktang ipinapahayag sa mga manonood. Ito rin ay isang malikhain at maki-pakinabang na diskusyon ng isang paksa.

Kaibahan Ng Sanaysay At Talumpati - Pamaraan, Layunin, At Iba Pa!

Ang layunin ng isang talumpati ay ang paghikayat sa mga manonood sa paniniwala ng nagtatalumpati. Samantalang ang sanaysay naman ay isang isinulat ng may akda.

Ang mensaheng ipinapahayag ng manunulat ay nakakarating sa mga tao sa pamamagitan ng pagsulat. Kadalasan ay hindi ito binabasa sa harapan ng publiko.

Sunod, ang isang sanaysay ay higit pang mahaba kaysa talumpati. Ito rin ay opinyon o personal na pananaw ng may-akda sa isyung tinatalakay. Ito rin ay may dalawang uri, pormal at di pormal.

Ang Impormal na Sanaysay ay mga pananalita na parang pinag uusapan lamang. Ito ay maihahambing na parang simpleng pag uusap ng mga magkaibigan ang may akda at ang magbabasa.

Samantala, ang layunin ng isang pormal na sanaysay ay ang paghikayat, o pagturo, o magpaliwanag. Bukod rito, ang tono rin nito ay pormal at seryoso. Ito ay hindi lamang opinyon ay may basehan.

Basahin rin: Pasalitang Diskurso – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment