Ano Ang Pananaw: Kahulugan At Mga Halimbawa Ng Pananaw

Sagot Sa Tanong Na: “Ano Ang Pananaw?”

ANO ANG PANANAW – Lahat tayo ay may iba’t ibang “perspective” sa buhay. Dahil dito, iba’t iba rin ang ating mga opinyon sa maraming bagay.

Ano Ang Pananaw: Kahulugan At Mga Halimbawa Ng Pananaw

Dito pumapasok ang salitang “pananaw”. Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. 

Ito rin ay ma-ihahalintulad sa paniniwala ng isang tao. Subalit, ang paniniwala ay bunga ng pananaw ng isang tao. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Point Of View”.

Halimbawa nito:

Nakita ng pinsan mo na may ibang kasamang babae ang iyong boyfriend. Sinabihan ka kaagad ng pinsan mo at nagalit ito dahil sa nakitang pagiging “unfaithful”.

Ngunit, pananaw lng lamang iyon ng pinsan mo. Dahil alam mo na kapatid lang ng boyfriend mo ang kasama niya.

Ang pananaw ng isang tao ay iba-iba rin kapag pulitka na ang pinag-uusapan. May malaking debate ang mga Pulahan at Dilawan sa iba’t ibang bagay na nangyayari sa Pilipinas.

Masasabi mo na lahat sila ay may kani-kanilang pananaw.

Tandaan lamang:

  • Lahat tayo ay may iba’t-ibang pananaw sa buhay pampolitika,relihiyon at marami pang iba.
  • Dapat nating igalang ang pananaw ng bawat isa,dahil may kanya kanyang tayong paniniwala.
  • Sa pananaw ng marami ang pagbibigay ng maayos na edukasyon sa kanilang mga anak,ang magpapaangat sa kanila sa kahirapan.
  • Sa aking pananaw dapat pagtuunan ng pamahalaan ang lumalalang kaso sa ipinagbabawal na gamot.
  • Ang pananaw ng aking anak na dapat ay magtulong tulong ang kanyang mga kaklase para sa kanilang gawain ay kaniyang ipinahayag.

BASAHIN RIN: Elemento Ng Alamat: Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment