Liham Aplikasyon: Mga Halimbawa Ng Mga Liham Aplikasyon

Mga Halimbawa Ng Liham Na Pang Aplikasyon

LIHAM APLIKASYON – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang uri ng liham na ito ang mga halimbawa.

Liham Aplikasyon: Mga Halimbawa Ng Mga Liham Aplikasyon

Ang liham na ito ay isinusulat upang isumete sa mga “employer” o kompanya para sila ay makakakuha ng interest na kunin ka sa trabahao.

Mga Halimbawa:

Hunyo 1, 2020

Bb. Stephanie Delos Reyes
Human Resources Manager
123 Restaurant Inc.
ABC, Gil Street, Makati City

Magandang araw, Bb. Stephanie Delos Reyes,

Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong kumpanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na mag apply para sa posisyon ng chef ng Kare Restaurant Inc. Matagal na akong kumakain sa Kare Restaurant Inc. at nais kong makatulong sa tagumpay ng ABC Restaurant Inc.

Ako ay may limang taong karanasan bilang isang chef sa Luna Hotel. Luna Hotel, natuto ako kung paano humawak ng tao, kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano pasabikin ang mga customers sa pamamagitan ng masasarap na putahe.

Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking karanasan sa Luna Hotel Inc. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking email ([email protected]) at cellphone number (+639201234567).

Maraming salamat.

Lubos na gumagalang,

Jose Peter Piero

[email protected]

+639201234567

Isa pang halimbawa:

February 18,2020
Ginoong Nelson Manaloto
Manaloto Pugo & Fishball Inc.
No. 321 Aguinaldo Building
Medina Ave. United States of Antipolo

Magandang Araw, G. Manaloto,

Nalaman ko mula sa aking dating katrabaho na nagtatrabaho sa inyong kumpanya na nangangailangan kayo ng isang accountant, ang posisyong pinaniniwalaan kong posisyon na ako ay karapat-dapat.

Ako ay nakakuha ng maraming pag-aaral at pagsasanay sa pagiging accountant, at maari nyo akong maasahan sa paggawa ng iba’t-ibang financial statements, pag analyze ng mga financial statements, pag record at pag manage ng mga book of accounts. Ako rin ay may lubos na kaalaman sa Taxes. Para sa karagdagan, Naniniwala ako na masisiguro ko ang aking katapatan at kasipagan na kung saan pinaniniwalaan ko na dapat maging katangian ng isang mabuting empleyado.

Ako ay graduate ng business law, accounting and management sa University of Nevada in Las Vegas, USA. Naniniwala ako na ang training ko noong college ay naghanda sa akin upang magawa ko ang aking malaking responsibilidad.

Para sa inyong kaalaman para sa aking intellectual na kakayahan, maari kayong sumangguni sa mga sumusunod na personalidad:

Prof. Manuel Amos, College of Business and Accountancy,  

University of Nevada in Las Vegas, United States of America

Mr. Paolo Pasion. Chief Executive Officer, Alamang & Alige Inc. Shq Ave. Los

Angeles, Pampanga.

Ako po ay handang makipagkita at mag report sa inyong opisina para sa interview sa oras na bakante kayp. Maari ninyo akong mokontak sa mga numerong ito: 091123451235

Lubos na gumagalang,

Peter Piper Dela Cruz

Like this article? READ ALSO: Halimbawa Ng Memorandum: Mga Halimbawa Ng Memorandum

Leave a Comment