Saan Matatagpuan Ang Lake Baikal? Lokasyon Ng Lawang Ito
SAAN MATATAGPUAN ANG LAKE BAIKAL – Sa paksang ito, ating alamin ang sagot sa katanungang tungkol sa lokasyon ng lawa ng Baikal.
Ang Lake Baikal ay isang matarik na lawa (Rift Lake) sa Russia. Ito ang pinakamalaking lawang matabang na mayroong 22 hanggang 23 parsyento ng preskang tubig.
Tinatawag itong Ozero Baykal (озеро Байкал) o Baigal nuur (Байгал нуур) ng mga lokal. Ito ay galitang sa salitang Mongolian na Baigal nuur na ang ibig sabiihin nito ay “Likas na Lawa” (Nature Lake).
Ito ang pinakaklaro, pinakamalalim, at pinakamatandang lawa sa buong mundo, Ito rin ay ang ikapito sa pinakamalaking lawa sa mundo base sa kalawakan ng ibabaw.
Ang sukat niya ay 636 kilometrong haba (395 milya) at 79 kilomertro lapad (49 milya). May lalim siya na umabot hanggang 1,642 metro o 5,387 ft.
Ang lawang ito ay pinakamalamig sa buwan ng Enero hanggang sa buwan ng Mayo.
Ang Lake Baikal ay matatagpuan sa timog Siberya ng Russia na nasa pagitan ng Irktusk Oblast na nasa hilagang kanluran, at ang Republika ng Buryat na nasa timog silangan.
BASAHIN DIN:
Ano Ang Alokasyon? Kahulugan At Ang Sistemang Pang-Ekonomiya
Palaisipan Halimbawa: 10+ Mga Halimbawa Ng Palaisipan