Kahulugan Ng Panitikan – Ano Nga Ba Ang Panitikan?

Ano Ang Kahulugan Ng Panitikan? (Sagot)

KAHULUGAN NG PANITIKAN – Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-titik-an“. Ito ay batay sa salitang “titik” nangunguhulugang “literatura” (literature).

Kahulugan Ng Panitikan - Ano Nga Ba Ang Panitikan?

Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng mga ideolohiya, kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao. Kasabay dito, ito rin ang pinakapayapak na paglalawarawan sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan, at patula.

Bukod dito, nagsasalaysay din ang panitikan ng mga ideolohiya ng pamahalaan, lipunan, at pananampalataya. Ito rin ay nag papahayag ng mga damdamin katulad ng:

  • pag-ibig
  • kaligayahan
  • kalungkutan
  • pag-asa
  • pagkapoot
  • paghihiganti
  • pagkasuklam
  • sindak
  • pangamba.

Uri ng Panitikan

May dalawang uri ng Panitikan na kailangan nating malaman. Ito yung “tuluyan o prosa” at ang tinatawag na “patula“.

TULUYAN O PROSA – Nagpapahayag ito ng kaisipan. Ito rin ay isinusulat ng patalata.

PATULA – Ito ay nagpapahayag ng damdamin. Ito ay isinusulat ng pasaknong.

Bakit kailangan natin aralin ang Panitikang Pilipino?

  1. Ito ay sumasalaysay ng kasaysayan ng Pilipinong panunulat.
  2. Pwede nating pag-aralan ang mga kaisipan at tradisyon na taglay ng mga Pilipino.
  3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
  4. Mapaunlad ang karunungan natin sa pagsusulat upang ito ay mapabuti at mapaunlad.
  5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: Halimbawa Ng Mga Panitikan

Leave a Comment