Share to Facebook Share to Twitter More...

Kabanata 3 El Filibusterismo – “Ang Mga Alamat” (BUOD)

KABANATA 3 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 3 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 3 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlong kabanata.

Ang Kabanata 3 ay may titulo na “Ang Mga Alamat” o sa Ingles ay “Legends”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Dinatnan ni Padre Florentino na may nagtatawanan na ang nsa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang na hindi nakita ni Simoun ang dinadaanan ng bapor. Sabi niya kung wala alamat ay walang silbi sa kanya ang alinmang pook. Ito ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.

Sinabi ng Kapitan na may alamat tungkol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento:

May magkasintahan sa Espanya. Naging Arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa Arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng Arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig din manirahan sa kweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi:

“Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?”

Ayon kay Padre Slvi hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang Arsobispo at upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo. Nang madaan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang “Guevarra”, “Navarra” o “Ibarra”.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.

BASAHIN DIN
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta
Kabanata 4 – Kabesang Tales

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kabanata 3 El Filibusterismo – “Ang Mga Alamat” (BUOD)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.