Ano Ang Mga Iba’t Ibang Pangkat Etniko Sa Visayas?

Ano Ang Mga Iba’t Ibang Pangkat Etniko Sa Visayas?

PANGKAT ETNIKO SA VISAYAS– Sa paksang ito, ating alamin ang sagot sa katanungang kung ano ba ang mga pangkat etniko sa Visayas.

PANGKAT ETNIKO SA VISAYAS

Ang mga pangat etniko sa bansa natin ay nakikilala sa kanilang sarili sa isa o higit pang mga aspeto katulad ng kultura, wika, kasaysayan, at iba pa.

Ang karamihan sa populasyon ng pangkat at pawang Austranesyano mula sa relihiyong Animismo, Hunduismo, Budismo o Islam na naglipat ng relihiyong Kristyanismo sa panahon ng pagsakop ng mga Kastila.

Narito ang mga iba’t ibang mga pangkat etniko sa islang pangkat ng Visayas:

  • Ilonggo | Hilagaynon
    • Ang mga Hiligaynon ay nakatira sa isla ng Panay, Guimaras, kanlurang bahagi ng Islang Negros, Hilaga at Timugang Cotabato at Sultan Kudarat.
  • Waray | Lineyte-Samarnon
    • Kilala rin bilang Leyte-Samarnon, ang mga Waray ay nakatira sa mga isla na Samar, Leyte at ang islang lalawigan ng Biliran
  • Cebuano | Bisaya
    • Kilala rin bilang Bisaya sa madla, ang pangkat na ito ay nakatira sa isla ng Cebu, silangang bahagi ng Islang Negros, Bohol, Siquijor at bahagi ng Leyte
  • Karay-a | Kinaray-a
    • Ang Karay-a ay isang pangkat na nasa isla ng Panay at Palawan. May isang pangkat ng Karay-a na tinatawag na Hamtikanon na nakatira sa lalawigan ng Antique
  • Masbateño | Minasbate
    • Ang Masbateño ay isang pangkat na galing sa lalawigan ng Masbate sa Luzon na mayroong mga napadpad sa isla ng Panay
  • Aklanon
    • Ang mga Aklanon ay nakatira sa lalawigan ng Aklan sa isla ng Panay.

BASAHIN DIN – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Pangkat Etniko Sa Luzon?

Leave a Comment