TIGDAS HANGIN – Ano Ang Pinagkaiba Nito Sa Tigdas & Mga Sintomas

Ano Ang Tigdas Hangin & Mga Sintomas Nito

TIGDAS HANGIN – Narito ang ipinagkaiba nito sa tigdas at ang mga sintomas ng sakit na ito na karamihan ay mga bata ang pasyente.

Kadalasan, ang tigdas at ang tigdas hangin ay itinuturing na iisang sakit. Subalit, hindi sila parehas. Ang una ay tumutukoy sa “measles” habang ang pangalawa ay sa “rubella” o “German Measles”.

Ayon sa artikulo sa Smart Parenting, ang tigdas hangin ay hindi nakamamatay katulad ng tigdas. Subalit, nakakahawa rin ito kaya kailangan ng pasyente na manatili sa loob ng bahay habang siya ay may sakit.

Parehong dulot ng virus ang dalawang sakit. Pagdating sa sintomas ng tigdas hangin, isa sa mga indikasyon na kitang-kita ay ang rashes sa balat. Ayon kay Dr. Jaime Isip-Cumpas, ang pasyente ay maaring magkaroon ng lagnat bago lumabas ang pamumula ng balat.

Tigdas Hangin
Photo Credit: Parenta

Ang lagnat ay maaring magtagal ng tatlong(3) araw bago lumabas ang mga rashes sa balat. Maari itong naka-umbok o hindi naka-umbok mula sa balat. Kadalasan, una itong lumalabas sa likod hanggang sa kumalat sa braso, mukha, leeg, at iba pang bahagi ng katawan.

Base sa artikulo, sabi ng Mayo Clinic, ang pamumula ng katawan na isa sa mga sintomas ng tigdas hangin ay hindi makati. Kusa rin itong nawawala pagkatapos ng isang linggo at ang mga sintomas lang tulad ng lagnat ang binibigyan ng gamot.

Ayon kay Dr. Ma Leonor Sevilla-Sia, kadalasan mga sanggol mula six(6) months hanggang dalawang taong gulang ang nakakaranas ng sakit na ito. Upang maiwasan, kailangan mapa-bakunahan ang mga sanggol ng MMR o measles-mumps-rubella vaccine.

Bukod sa nasabing bakuna, marami pang ibang bakuna na nararapat ay mabigyan ang mga sanggol. Ito ay kanilang proteksyon sapagkat hindi maikakaila na mahina pa ang katawan ng mga bata para labanan ang mga sakit.

Maraming salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Huwag magdadalawang-isip na mag-iwan ng komento o reaksyon sa ibabang bahagi ng pahina na ito.

Leave a Comment