HALIMBAWA NG SIBILISASYON – Magbigay Ng Mga Halimbawa Nito

HALIMBAWA NG SIBILISASYON – Magbigay Ng Mga Halimbawa Nito

HALIMBAWA NG SIBILISASYON – Narito ang mga iba’t ibang mga halimbawa ng sibilisasyon na umiiral noong unang panahon.

HALIMBAWA NG SIBILISASYON
  • Mga Sibilisasyon na nasa Mesopotamia
    • Kabihasnang Sumerian
      • Ang unang kabihasnan noong 4000 BC na nanggaling sa bundok na nasa hilagang-silangan at naninirahan sa bahagi ng Mesopotamia (Iran at Iraq ngayon). Sila ang gumawa ng dike at kanal bilang daanan ng tubig, ang kanilgan templong nangangalang Ziggurat, at nakagawa ng sistema ng pagsulat na tinawagang cuneiform.
    • Kabihasnang Akkadia
      • Ang imperyong sinakop ang mga Sumerians noong 2300 BC na pinamunuan ni Sargon. Ang pamamahala nito ay sentralisado.
    • Kabihasnang Babylonia
      • Isang kaharian noong 2000 BC. Ang Babylon ay ang kabesera ng kanilang kabihasnan. Si Haring Hammurabi na ikaanim na hari ng Baylonia ang gumawa ng mga batas na nasa isang tipak na bato na tinatawag na Code of Hammurabi.
    • Kabihasnang Assyrian
      • Lumitaw matapos ang pagkamatay ni Hammurabi noong 1370 BC. Sila ang gumawa ng karwahe na hinihila ng kabayo at sandatang bakal.
    • Kabihasnang Chaldean
      • Isang kabihasnang mula sa 700 BC na pinamunuan ni Nebuchadnezzar. Sinakop rin nila ang Jerusalem, Syria at Ehipto. Tumayo siya ng Hanging Gardens of Babylon.
  • Kabihasnang Indus
    • Tumuba sa bahagi ng subkontinente ng India. Ang natagpuang dalawang lungsod ay ang Mohenjo-Daro at Harappa. Nagsimula ang kabiasnang ito noong 3000 -2500 BC. Ang kanilang sistema ng pagsulat at wika ay ang Sanskrit.
  • Kabihasnang Tsina
    • Lumitaw sila sa bahagi ng ilog ng Huang Ho. Sa kabihasnang ito nagsilbing panahon ng transisyon mula sa panahong Bato hanggang sa panahong Bakal.
  • Kabihasnang Ehipto
    • Lumitaw sa paligid ng ilog Nile noong 8000 – 5000 BC. Nahati ito sa dalawang kaharian na tinatawag na Mataas at Mababang Ehipto. Ang pinuno nila ay tinatawag na Menes. Ang sistema ng pagsulat nila ay ang Hieroglyphics.

BASAHIN DIN – May Pagkakatulad Ba Ang Sibilisasyon At Kabihasnan?

Leave a Comment