Giselle Dela Cruz, a self-confessed NBSB (no boyfriend since birth) became the latest addition to the list of social media celebrities after her “hugot” post about the couple desserts went viral on social media.
According to the 22-year-old student, all she wanted was to buy a limited edition desserts from McDonald’s the moment she noticed the advertisement for it’s Valentine’s Day specials. Before buying her dessert she noticed that the “sweethearts editions” desserts are available for singles and couples alike but there’s a slight difference in prices.
The communications arts student then gave a few lines single people may use when ordering the desserts. Right after her post was posted online some of her friends noticed it and shared it on social media and eventually became viral in the next few days.
Here’s the Complete Post of Giselle Dela Cruz:
“Oo na! Ako nang walang boypren!” First time kong mapasigaw sa mall.
Paano napadaan ako sa McDonalds kanina at tuwang-tuwa na makakita ang bagong flavors nila. Wow, Red Velvet float! Taray, Strawberry Kiss Oreo Sundae! Love is in the air nga talaga.
Tas nakita ko ‘tong price. Teka, teka, teka. Ano ‘tong nakasulat, ‘by the pair’ at ‘just one’? Kapag 2 ang binili mo makakamura ng ilang piso, at kapag isa lang ang bibilhin mas mahal.
At look, ang term na ginamit ay ‘Just one’. Just. One. Grabe ang sakit! Paano ang direct translation nito sa Filipino, ‘Isa lang’.
Ouch. Medyo brutal ah.
Eh kung pinangalanan na lang nila na ‘single order’ o ‘happily single’? O kaya, ‘Mag-isa pero kaya pa!’, “Loving myself before I love somebody else,” o “Naghihintay ng tamang panahon, tamang rason at tamang tao”.
Just one? Bakit parang kaming mga single pa ang nagkulang? At tignan mo ang presyo, mas mapapamahal ka pa pag mag-isa ka lang, so ano, kami na naman talo? Talo na nga sa pag-ibig magbabayad pa kami ng extrang 2 pesos para sa ice cream?
Susmarya, kasalanan ko pa ata na single ako. Paano oorder ang mga kapwa kong singles nyan, “Miss isang sundae, just one. Iniwan kasi ako sa ere ng nililigawan ko” o “Ate isang cone please, ‘yun pang-single kasi pinagpalit ako ng mahal ko” o “Kuya, malamig na Mcfloat na pang-isa, sobrang sakit na kasi pakiramdam ko natutunaw na ‘tong puso ko.”
Pambihira Mcdo, kaya nga ako bibili ng ice cream para maibsan ang lungkot at sakit. Bibili ako ng ice cream dahil malamang walang magbibigay ng bouquet ng roses o box ng chocolates sa Valentine’s. Bibili ako ng ice cream dahil umaasa akong makakatikim ng kaunting tamis ang bitterness na bumabalot sa pusong ito. Pero ano, ipaparamdam mo pa sa akin na mas malala ang walang syota?
Oo, galit ako. Hindi dahil wala akong kalandian sa Valentine’s na pabebeng kumakain ng ice cream niyo, kundi tinawag niyo kaming “Just One” at papabayarin pa ng mas mahal kaysa sa mga nakahanap na ng kanilang The One.
#SinglesRepresent #NoToJustOne #IDeserveAnExplanation